top of page
Search
Writer's pictureMildred Ruallo

ANO ANG GAMIT NG CURRICULAR THEMES SA K TO 12 KINDERGARTEN CURRICULUM GUIDE?


Ang curricular themes o tema sa pagtuturo sa Kinder ay ang mga sumusunod:

1. Myself o Ang Sarili

2. My Family o Ang aking Pamilya

3. My School o Ang aking Paaralan

4. My community o Ang aking Komunidad

5. Things around me o Mga Bagay sa aking Paligid.


Ang mga temang ito ay naka-integrate na sa learning competencies sa curriculum guide ng kinder o kahit na anong level ng pag-aaral. Bakit ito ang nagiging tema ng ating curriculum? Dahit dito sa limang tema na ito umiikot ang buhay ng isang tao. Nabubuhay siya sa kanyang sarili, sa kanyang pamilya, sa paaralan dahil kailangang mag-aral ang tao, then kasabay ang ating komunidad dahil dito tayo nakatira then ang panghuli ang mga bagay sa paligid tulad ng mga puno, tulay, bundok, mga sasakyan at iba pa. Hindi po dapat magiging pamagat ang mga temang ito sa libro sa kinder. Ito ang mga tema na nakapaloob na sa learning competency at di ka na kailangang mag-integrate dahil theme-based na noong ginawa ng mga dalubhasang educators ang learning competencies.


Ito ang halimbawa na ang tema ay automatic nang nakapasok sa learning competencies. Makikita sa content standard, performance standard at learning competencies ang tungkol lahat sa "Myself" o sa aking sarili. Ang tanong nasusundan kaya natin itong curriculum guide? kunyari sa domain na ito: PAGPAPAUNLAD SA KAKAYAHANG SOSYU-EMOSYUNAL. Ang ka-counterpart o kaprerequisite ng domain na ito ay ang subject sa grade 1 na Araling Panlipunan. Sabi nila walang subject sa kinder, wala nga kc dumiretso na ito sa domain. Naiba lang ang tawag sa learning area sa kinder sa elem.pero pareho silang may learning competencies na susundan. Kaya hindi dapat malito. Nakakalito lang kc iba-iba ng interpretation ang bawat isa. Iba din angh pagtuturo sa Kinder kc more on play-based, patula or pakanta sa presentation and discussion. Pero pagdating sa evaluation back to natural way of learning. Halimbawa di mo maaaring ipakanta o ipalaro ang pagbasa o pagsulat. Sa practice pwedeng palaro o pakanta ang mga tunog ng letra kapag may mastery na ipapabasa mo na o ipabibigkas ang tunog ng letra.

799 views0 comments

Recent Posts

See All

_____________________________

The term curriculum refers to the lessons and academic content taught in a school or in a specific course or program.

Pointers to Remember on Effective Teaching:

1. Use the K to 12 Basic Education Curriculum Guide. 2. Read the description and time allotment of each learning domain for Kinder or...

Comments


bottom of page